Home » Post Item » Bakit May Two Timer?
Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan. -Kawikaan 2:6

Bakit May Two Timer?

November 15, 2009

Ang isa sa pinakamasakit na mangyayari sa isang relasyon eh yung malaman mo na pinagtataksilan ka ng taong mahal mo. Pinagkakatiwalaan mo siya ng buong buo yun pala hindi mo alam na habang naghihintay ka ng text o tawag niya eh nakikipaglambingan na pala siya sa iba. Ang sakit! Parang ang sarap pumatay ng tao. Aaminin ko, galit ako sa mga taong katulad nila dahil minsan na rin akong nabiktima ng mga gagong un. Nakakatawa nga dahil sa sarili niyang katangahan ko pa siya nahuli. Ang lupet! Pero minsan natanong ko sa sarili ko, ano nga ba ang dahilan bakit may mga taong kagaya nila? Bakit nila nagagawa yun? Sa pagkakataong ito, lawakan natin ang ating isipan at subukan natin silang unuwain dahil baka naman….

  • Nabobored na siya - hindi ka na siguro katulad ng dati na sweet at thoughtful. Kung dati ang dialogue mo “tara hatid na kita baka anong mangyari sayo sa daan.” eh baka ngayon “magtext ka nalang kung nasa bahay ka na hah.” O baka naman sa 10 taon niyong pagsasama eh hindi mo pa siya nailalabas para magdate? Eh talaga namang mababagot yun at maghahanap ng iba.
  • Di siya makuntento - aminin natin na minsan talaga hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo kaya naghahanap pa tayo ng “MAS”, mas maganda, mas sexy, mas mayaman o kaya mas malambing, mas masarap, mas magaling. Kung ganun malamang ngang maghahanap at maghahanap yun ng ibang tutugon sa pagkukulang ng isa.
  • Mahina siya sa tukso - may mga tao talagang mahina sa tukso. Kahit di nila gustong gawin, wala silang palag dahil palay na mismo ang lumalapit. Tao lang ako, yun ang lagi nilang dahilan.
  • Hindi siya makapili kung sino talaga ang mahal niya - minsan magugulat na lang tayo paggising natin sa umaga marerealize natin na unti unti na pala tayong nahuhulog sa ibang taong madalas nating kausap o kasama. Tapos magiisip tayo ng magiisip kung sino ba talaga ang mahal natin pero dahil sa hindi tayo makapali, ang tanging paraan ay ang pagsabayin sila.
  • Naghahanap ng atensiyon - baka naman wala ka nang oras sa kaniya. Puro nalang pagdodota, pagbabanda o pagaaral ang inaatupag mo. Baka hindi mo narin napapansin ang bagong niyang rebonded na buhok at facial na mukha kaya naghanap ng ibang taong magbibigay ng mas maraming atensiyon.
  • Nagsasawa na siya - ang mga tao mabilis magsawa, maumay, gusto laging bago. Ganun talaga tayong mga tao eh, walang permanenteng kasiyahan. Kaya nga hindi tayo nagiging lubusang masaya dahil hindi tayo marunong makuntento.
  • Gustong maghiganti - eto yung mga taong nabiktima na rin ng mga salawahan at gustong maghiganti. Ganito ang kadalasan nilang sinasabi, “May babae ang boyfriend ko kaya manlalalaki rin ako para maramdaman rin niya kung ano ang nararamdaman ko. Bakit siya lang ba may karapatang manloko?!?”
  • Gusto lang magmayabang at patunayang malakas ang appeal niya - mas maraming boyfriend/girlfriend, mas malakas daw ang dating. Minsan gusto lang din nilang magmayabang sa tropa na marami siyang girlfriend/boyfriend dahil gwapo/maganda siya.
  • Gusto niya ng may reserba - marami sa atin takot masaktan at maiwanang mag-isa kaya para maiwasan yun, minsan naghahanap tayo ng pang reserba. “Atleast sigurado kang may magsasalo sa iyo kung saka sakali mang iwanan ka ng isa.” - Yan ang kadalasan nilang sinasabi.
  • Sadyang likas na sa kaniya ang maging babaero/lalakero - wala tayong magagawa kung sadyang ganiyan ang boyfriend/girlfriend mo, makati, dahil kahit anong gawin mo, mangbababae at manglalalaki yang jowa mo dahil ipinanganak na siyang ganiyan. At hindi malayong mangyari na mamatay na rin siyang ganiyan. Naku wag naman sana!

Sa ngayon yan palang ang naiisip kong maaring maging dahilan. Kung may iba pa, yun ay di ko na alam. Kaya sa mga taong naging biktima ng pagtataksil isipin din natin na baka tayo ang may pagkukulang. Para naman sa mga “two timer”, minsan sana wag maging manhid, isipin niyo rin na sa gagawin mong yan, may taong masasaktan. Hindi ba’t masakit kung sa iyo gagawin yan ng taong mahal mo? Mabilis ang karma at ang masaklap dumarating yan sa pagkakataong hindi mo inaasahan. At kapag tinamaan ka ng karma, triple ang balik niyan sayo, MANIWALA KA!

Posted by lizeth at 1:46 am | permalink

Previous Comments

aaawwttss!!!

“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.” - BO

Posted by an_indecent_mind at November 16, 2009, 4:58 pm

Napadpad ako sa site mo kasi naghahanap kami ng mga pwede namin bigyan ng online surveys regarding our thesis topic which is: TRIVIAL BLOGGING: A Uses and Gratifications Inquiry About Identity Presentation Through The Blogging Practices of Young Professionals . :) Pwede ko malaman ang pangalan at edad at kung saan ka nakatira?
Ito nga pala ang email ko : ktlacorte@gmail.com

Posted by KT at December 1, 2009, 3:29 am

oooh very true!! nakaranas na din ako ng ganyan. lolz and thanks to him I’ve become a stronger person than before. ;) dibale may karma din yan.. Tantanda sila na nagiisa LONER! LOL harhar!

btw, I have a new domain sis. Hope you can drop by ~ this is Thea (now Mizuki) from http://aishit3ru.org hope you still remember me :D

Posted by Mizuki at December 7, 2009, 6:46 pm

i hurst! :D hurt pala.. :D ,

palink din ako dito ms. lizeth ha.. :D , sensya i stalk you, i love lady drummers. :D

Posted by Eli at January 11, 2010, 12:15 pm

I would like to propose not to hold back until you earn big sum of cash to order different goods! You should get the credit loans or just financial loan and feel comfortable

Posted by MaddoxJewell at July 30, 2010, 3:47 am

hindi nmn sa two timer ka masama ka na ! :) ) it means yung pag kukulang nung isa npupunan nung pangalawa and yung kulang sa pangalawa nasa una ! :) )

Posted by alexis at August 9, 2010, 2:39 pm

huhhuhuu superr it hurts nga tlaga….

Posted by theresa at August 31, 2010, 4:30 pm

yeah gurl your ryt.,gawain koyan dati kaya neun lumuluha ako, ang sakit sakit…….jujujujuju

Posted by jeninay at September 2, 2010, 1:29 pm

hahaha. . tama!
skit kaayo na sya may pa yaw na lng. . .:(

Posted by marimar at September 15, 2010, 5:07 pm

ganda naman ng message mo; magiging inspiration ka sa lahat.

Posted by ma.teresa reyes at September 17, 2010, 12:54 pm

…..hindi nman ata ganun un
kasi ako hannggang ngaun timer pa rin sya skin
mahal ko sya kaya hinahayaan ko siya sa kahit anong gusto nyang gawin……

kasalaan ko rin kasi pumatol ako sa may gf na may gf…
help me naman kung panu ako maalis sa
ganitong relasyon???

Posted by emem at October 23, 2010, 3:26 pm

ouch! this is ssoooo true. ang sakit talaga if mag two time ang partner mo. isa lang ang masasabi ko “karma’s a bigger bitch than me!”

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

Posted by pacquiao vs margarito at October 27, 2010, 8:33 pm

awts skt ahh grabw mkpgbgu na nga

hehe gling ng gmwa nto

Posted by ms.lady at November 18, 2010, 2:34 pm

ang skit talaga… basta ginagago kana ng mahal mo..:-)

Posted by jennifer at December 1, 2010, 10:24 am

ouch! i hate cheaters!!!

karma’s going to be his bestfriend!

Posted by eztvstream at December 14, 2010, 4:20 pm

It’s true its really hurt tlaga….!!!
Pero me knya-kanyang dahilan yan kng bakit kelangan dalawa sila…?
Merun kc na ung first girl maxado xang ObCESs n xa Boy….lahat gagawin pra lang wag syang ewan neto kya nyang mag eskandalo at ipahiya yong 2nd Girl… To protect d 2nd girl kelangan muna gumawa n Boy ng paraan. Depende namn yan sa napagkasunduan nila Boy at n 2nd Girl. Lahat ng bagay nadadaan sa magandang usapan!!!
Mahal ni Boy at ni 2nd girl ang isa’t-isa kahit ano man gawin n 1st girl n paghiwalayin cla wala parin ngyayari.
Sana nlang one of this day!!!
Magising na c 1st girl sa kahibangan at sa mga ilusyon nya.

“Love, like a river, will cut a new path
whenever it meets an obstacle”

Posted by Emskie at January 21, 2011, 6:20 pm

ppl who cheats are selfish! ouch! love really hurts!

watch Pacquiao vs Mosley fight this May 7, 2011 online for FREE here: mannypacquiao-vs-mosley.blogspot.com

Posted by FREE live stream: Pacquiao vs Mosley at February 15, 2011, 10:04 pm

ang sakit pla nuhh!!! :( (

Posted by kamille at June 8, 2011, 9:02 pm

!!hahaha!!,may kamalian din sa mga cnbi ,kong gus2 mag higante ng babae masasabi ko xang xa ai katangahan,dahil xa lang din ang nagpapasakit sa kanyang damdamin…

Posted by james at July 4, 2011, 6:39 pm

paano naman sa may asawa? pano kung nakaka apat na, alam mong hndi sya seryoso sa pambababae dahil kung seryoso un sana iniwanan na kaming mag ina, para sa kanya wala lang yung ginagawa nya, sa akin naman ako tong sobrang apektado what if nga kung sinersoyo na nya yung susunod na babae =nya..

Posted by mhin at August 5, 2011, 12:14 pm

friends .. I am sorry, I was forced to comment on the shoutbox or post with name and links to article of SEO contest. I hope to win a SEO contest for the some expenses. please you are sincere, I’m sorry.

Posted by TableT AndroiD HoneycomB TerbaiK MuraH at August 15, 2011, 9:03 am

awts .. sapul ako dun aa ..

Posted by alecks santiaguel at September 5, 2011, 1:23 pm

hmp :) true talaga ang two timer..

DAHIL NANGYARI N NMAN SAKIN TO>>

OK NA DAHIL NATUTO AQNG MAGING MATAPANG..
ATLIS WALA AQ GNGAWANG MASAMA..

ANG MAHIRAP LNG.. CLA NA NGA ANG NANLOKO CLA PA BBLIKTAD NG CTWASTON HAYS!!!

MORNING..

Posted by tala at September 10, 2011, 9:48 am

— matanong ko lang …
ung mga taong salawahan ba , masasabing nagmamahal talaga sila ??

db kun mhaL mo ang isang tao ,dpat xia lang talaga ang nag-iisa sa puso mo ??

Posted by vanessa velasco at September 14, 2011, 7:42 pm

sana wla ng taong mga two tytmer….
masyado n clang naka2sakit ng ibang tao….

Posted by john dominic ambanta at October 3, 2011, 9:03 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment