Home » Post Item » Matalino Ka Ba?
Ang babaeng puro pahinga! Para siyang softdrinks, gagawin niyang "cool" ang buhay mo!

Matalino Ka Ba?

April 15, 2009

 

 

Madalas, ang konsepto natin sa pagiging matalino ay binabase lagi natin sa kung gaano kataas ang nakukuha nating grado sa iskwelahan. Kailangan hindi bababa sa 85-100% ang average mo para masabi na matalino ka nga talaga. Pero tama nga ba ang paniniwalang ito? Kung ako ang tatanungin mo, hindi ako sangayon dito. Para sa akin, ang katalinuhan ay hindi lamang binabase sa “academic achievement” o sa kung gaano kataas ang “I.Q. level” ng isang tao. Ang bawat indibidwal may kanya kanyang talento at katalinuhan na nakatago sa kailailaliman ng kanyang sarili. May mga taong magaling sa “mathematical equations” na kahit balibaliktarin mo ang tanong, nasasagutan niya parin ito ng tama pero ang problema, bobo siya sa “english grammar”. Mayroon ding sobrang galing sa “biology”, “chemistry”, “physics” at “science and technology” pero hindi marunong magspelling. May mga tao namang napeperpekto ang lahat ng pagsusulit sa lahat ng mga “subjects” pero walang sentido kumon. May mga tao ring 10 taon na sa high school pero alam tugtugin ang lahat ng instrumentong pang musika ng malinis na malinis at pinong pino.  Mayroon din namang mga taong tatanga tanga sumagot ng exam pero lahat ng sira sa “computer”, alam niyang ayusin. Mayroon din akong kilala na puro tres ang “grades” noong siya’y nasa kolehiyo pa lamang pero ngayon, presidente na siya ng isang kumpanya at kumikita na ng humigit kumulang P50,000 kada buwan. At mayroon ding hindi nakapagaral, hindi marunong magbasa o sumulat manlang pero alam kung paano patumbahin ang “white house” sa america. Bawat tao may sariling kakayahan at kahinaan kaya wala tayong karapatang humusga ng isang tao na bobo siya dahil lang sa mababa ang grado niya sa iskwelahan. Hindi porke magaling ka mag-english matalino ka na. At lalong hindi lang dahil flat 1 ka sa Rizal ay ikaw na ang pinakamatalinong nilalalang sa buong mundo. Isipin na lang natin na ang grado sa iskwelahan madalas nadadaya yan. May mga iskwelahan na pumasok ka lang araw araw, pasado ka na. May mga guro din na Pizza Hut lang ang katapat ng 95 na grade mo sa Hekasi. May mga istudyanteng maraming “sources” ng “leakage” kaya napeperpekto ang exam na minsan para hindi halata, mamalian niya ang isa o dalawa. Mayroon ding may “infrared” sa katawan na malalakas mangopya sa katabi, sa tagiliran sa likuran at sa harapan na madalas, mas mataas pa ang iskor niya kesa dun sa kinopyahan niya. At higit sa lahat, hindi nawawala ang Recto na kung saan pwede nang pekein ang lahat simula sa card hanggang sa diploma. Nakakatuwang isipin pero hindi natin maitatangging totoo nga yan at masasabi nalang natin na “oo nga noh?!”. Kaya heto ang dahilan kung bakit hindi ako nabibilib sa mga taong “genius” o “gifted child” kuno dahil lahat tayo, ginawa ng Diyos na “gifted”. Ang problema nga lang, may mga tamad mag-aral  samantalang may subsob sa pagsusunog ng kilay. May mga magagaling pero hindi alam kung saan gagamitin. Kaya buksan natin ang ating isipan! Minsan tanungin natin ang ating sarili bago tayo magpayabangan ng “grade”, ako ba talaga gumawa ng grade na ito? At bago natin sabihin na bobo o tanga ang isang tao dahil lang sa simpleng pagkakamali nito, isipin mo rin kung ikaw ba di ka rin ba nagkamali? Ikaw? Sa tingin mo? Matalino ka ba?

Posted by lizeth at 8:31 pm | permalink

Previous Comments

haha! nice illustrations/examples… at, talagang inilahad ang kung anu-anong kalokohan pagdating sa grades/achievement sa eskwela… NAMAN!

agring-agri ako sa lahat ng mga sinabi moh! tama talaga. true… sino ba umimbento at nagpa-uso ng langhiyang grade na ‘yan?! kainis, nakadepende ang pagkatao mo sa grades! pag lagpak ka, napakawalang kwenta mo at ang turing ng mga tao sa ‘yo’y parang dapat ka nang burahin sa mundong ibabaw… wala ka nang karapatang mag-exist dahil napakabobo mo… ay naku! (hehe, sensya na, sobrang bitter sa mga grades, e… huhuhu)

tama talaga - wala tayong karapatang manghusga ng iba, lahat ay may kanya-kanyang talino at kakayahan… pero di talaga maiiwasan sa mga tao ang mang-judge at mangmata, at napakasakit nito… oh, well, ganun talaga, e… ang ginagawa ko na lang kapag masama at mababa ang tingin ng iba sa akin, kinakanta ko ang “nosi, nosi ba lasi? sino, sino ba sila?!” ahahaha! sino ba kayo?!

nice blog!

Posted by xdalisayx at April 15, 2009, 10:44 pm

matinde mga post mo dito drummer girl a….may tinatago ka pala ha..hehehe

tumbok mo lahat ang mg apunto..la na akong maidadagdag pa…

at gusto ko yung napili mong pix ng evolution…hehehehe….

nice one ZEth…

Posted by PAJAY at April 16, 2009, 2:28 am

“May mga taong magaling sa “mathematical equations” na kahit balibaliktarin mo ang tanong, nasasagutan niya parin ito ng tama pero ang problema, bobo siya sa “english grammar””
aruy, bullseye ako dun ah.., bigla tuloi ako ng bilang kung ilang beses na ako ng pabalik balik sa english resource center dahil panay edit ang resume ko hahaha…. pero nice nice.. sang ayon ako!

Posted by akosiden at April 16, 2009, 11:43 am

Wow zeth.. ang tikas!! haha, nice blog.. mabuhay ang mabababa ang grades pero matalino padin!! haha

Posted by MeG at April 16, 2009, 9:32 pm

magkakasundo tayo… wala din akong tiwala sa grades… naalala ko dati… nung pinagsabihan ako ng prof ko dahil nga sa mababang grades ko… sinabi ko na lang…

“aanhin ko ang grades na yan… kung wala naman akong natutunan? ndi nga ganung kataas ang nakuhang kong grades… masasabi ko naman na naintindihan ko kung ano ang pinag-aralan ko…”

pero minsan… may nagsasabi sakin na medyo… matalino “daw” ako… nasasabi ko n lng… “meron gang matalinong mababa ang grades?”

[patama sakin un… ndi kasi ganun kataas ang nakukuha kong grado nung nag-aaral p lng ako…]

mali pala ako sa ganung sagot… dahil parang sa grades ko p rin binabase ang katalinuhan…

Posted by vhonne at April 17, 2009, 7:08 am

teka… 19 yrs old ka ba talaga? lol’s

galing!!!!…. isa lang masasabi ko matalino kang bata ka (dalaga pala) hehehe isang drum roll nga?
kaya dnt judge my brother he is not a book (korni!)…..

salamat sa pag dalaw… ha

Ingats

keep the faith

Bomzz

Posted by bomzz at April 17, 2009, 1:40 pm

galing. aus d2 may sense ang mga entry. mdami matutunan. nice nice…

Posted by hari ng sablay at April 17, 2009, 2:42 pm

weLL said! ganda nitong post na ito. tama nga naman na hindi Lang dapat tayo magbase ng kataLinuhan ng tao sa academic achievemnts lang. At Lahat ng tao ay may kanya-kanyang taLento at taLino. Wag dapat manghusga. xoxo

Posted by janile at April 17, 2009, 3:38 pm

gush fren, napahanga mu na nman ako………….uu nga, tama ang mga sinabi mo walang taong buo at totoo din na maraming tamad…………………kaya sana sa mkakabasa nito sa mga taong ngamamataas ay matauhan na at wag magaling….un lng…………………..gud job fren……..luv yah

love jessei

Posted by kimjessei at April 17, 2009, 8:49 pm

ui normal lang naman ang pagkakamali. yung mga taong nagsasabi ng bobo at tanga sa iba, yun sila dahil tinuringang tao sila, hindi nila magamit ang binigay sa kanilang gift para umintindi sa iba.

Posted by Pilar at April 18, 2009, 5:14 pm

naman.. agree ako sis! lahat tayo may kanya-kanyang ‘talent’.. minsan nga lang di natin ito narerealize pero dapat nating iexplore lahat ng potentials natin..

di din tama na humusga ng iba at sabihing bobo sila dahil pare-pareho lang naman tayong nilikha Niya na kawangis Niya.

nice post mare!

Posted by jhosel at April 18, 2009, 6:33 pm

yup, i agree hindi nga lang sa academic achievements ang basis ng katalinuhan..marami din namang hindi ganun kataas ang average pero mas may talent:)

Posted by ava at April 21, 2009, 7:28 pm

para sa akin, mas matalino ang taong 80 lang ang grade pero nakaka-commute, nakakabili ng chicharon sa kanto at may social life kaysa sa nakaka-97 nga e takot naman lumabas ng bahay…

entertaining post!:D

Posted by Leslie at April 21, 2009, 10:29 pm

isa yan sa bagay na laging pinagdidiskusyunan, na kung matalino ka nga ba sa paraang flat 1 ka sa lahat ng subjects, pero teka, huwag niyong ikaila na kung may maririnig o makikita kang grades na puro flat 1 sa lahat ng subjects , eh, mapapa-wow ka. at syempre meron naman talagang ibang madaya, kaya deceiving din, at unfair din sa mga tunay na nag-aaral.

at mapapa wow ka rin sa mga talented musicians pag tumugtog na ng pino, pero disapointed ka ulet pag nalaman mong, 10 years na siyang paulet ulet sa high school, XD

haha, ang tao iba iba mag-isip, iba iba ang kapasidad, pero tulad nga ng final statement mo, may kanya-kanyang forte ang isang tao. XD

Posted by netaholic21 at April 22, 2009, 2:09 am

na add na kita sa link ko :]

Posted by netaholic21 at April 23, 2009, 1:20 am

Yes matalino ako. :)

Posted by chris at May 4, 2009, 12:16 pm

isa lang basehan ng talino,

diskarte… :)

Posted by dotep at May 15, 2009, 8:12 pm

SOBRANG galing mo napahanga mo ko
sa post mo oo nga dapat tlga hinde man husga ng mga BOBO` baka pag dating ng panahun ikaw na ang ma ging BOBO`
kc d naman ang panahon sa u lng
kaya isa korin ma sasabi MAGANDA UNG NA POST MO MA KAKA2LONG SA LAHAT NG
MGA FLING MAGALING PERO HINDE nya ALAM SHA RIN ay BOBO` kaya wag ta ung mang husga WAHAHAHAHAHA_+_

Posted by ROMEO at July 5, 2009, 8:02 pm

Kaya heto ang dahilan kung bakit hindi ako nabibilib sa mga taong “genius” o “gifted child” kuno dahil lahat tayo, ginawa ng Diyos na “gifted”

asteg…yan ang pinakagusto kong parte sa mga sinabi mo…oo nga, lahat ng tao, gifted…

aksidenteng napunta ako sa blog mo…at asteg talaga ang mga post…lupet! hehe

Posted by andoyman at November 14, 2009, 3:22 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment