Home » Post Item » Mga Walang Kwentang Bagay Tungkol Sakin!
Ang babaeng puro pahinga! Para siyang softdrinks, gagawin niyang "cool" ang buhay mo!

Mga Walang Kwentang Bagay Tungkol Sakin!

March 25, 2009

Tinag ako ni Vanvan, Cagzkie at Duberkat! Yan tuloy, ubligado akong magsabi ng 25 na bagay tungkol sakin. Uumpisahan ko na.

  • Mahilig ako sa mga exotic na pagkain. Yung tipong nakakadiri sa iba, pero para sakin sobrang sarap talaga. Tulad ng palaka, salagubang, kamaro at kung ano ano pa. Minana ko kasi yun sa papa ko. Mahilig rin ako sa mga street foods. Ewan ko ba. Masarap kasi eh.
  • Tamad ako maligo. Haha! Nakakahiya mang sabihin pero kapag walang pasok, hindi rin ako naliligo. Eww ka diyan! Atlis nakakatulong ako sa pagtitipid ng tubig. Eh ikaw?
  • Tamad akong magbasa ng text o kahit magreply. Minsan napupuno na inbox ko sa mga unread messages kaya binubura ko nalang kahit di ko pa binabasa.
  • Tamad akong magaral. Sa buong buhay ko sa iskwelahan, wala akong maalalang exam na pinaghandaan ko. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit sa kabila nun, nasa honor parin ako mula kinder hanggang high school. Sadyang ganyan lang talaga siguro ang buhay!
  • Tamad ako sa lahat ng bagay. Yan inamin ko na. Di mo pa ba nahalata sa mga pinost ko sa taas. Puro katamaran! 
  • Nakatira lang ako sa squaters area. Nakakalungkot isipin na ang bahay namin ay kasing laki lang ng CR sa SM. Pero sa lahat naman ng nakatira sa squater, kami yung may iPod Video Classic 80G, drumset, aircon, HP computer with 19 inches LCD at DSL sa bahay.
  • Magulo ang family tree ko. Maraming tangkay. Gusto mo isaisahin ko? Oh sige. 2 kapatid ko sa mama ko, mas matatanda sila sakin. 3 naman sa tatay ko, mas bata naman sakin. Pero sa totoo lang, ako lang ang kaisa isang anak ng nanay at tatay ko. Di mo maintindihan? Problema mo na yun.
  • Isa akong tangang drummer kaya iniiwanan ng banda.
  • Pangarap kong maging bokalista ng isang rock band pero hanggang pangarap na lang yun.
  • May anak na ako.
  • Pag pamilya ang pinaguusapan, umiiyak talaga ako. Mahal na mahal ko kasi silang lahat kahit lumilipas ang panahon na hindi kami palaging magkakasama. Umiiyak ako sa bus pag umuuwi na ako galing sa lugar ng papa ko. Pag nakikita ko si mama nasasaktan, naiiyak parin ako. Nakakaiyak kasi talaga!
  • TB survivor ako. Langya nga sa lahat ng sakit yan pa ang nakuha ko. Pero awa ng Diyos after 6 months na gamutan, magaling nako ngayon!
  • Adik ako sa pagbablog. Kahit trying hard mag-english at halos dumugo na ilong ko, yan sige blog parin kahit alam kong wala namang matiyagang bumabasa ng mga post ko.
  • Mahilig ako sa mga baby. Pati ako isip baby. Feeling ko nga 5 years old palang ako eh. Tapos pag nagduduty nako sa hospital, dun ko palang narerealize na langya matanda na pala ako!
  • Minsan may topak ako. Basta masaya ako, kahit magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao, wala akong pakealam.
  • Mahilig ako sa mga gig at concert. Handa akong makipagsiksikan sa maraming tao basta dapat nasa harapan ako kasi kung nasa likod lang din ako, uwi nalang ako.
  • Crush na crush ko si Hayley Williams ng Paramore at kung bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong maging lalaki, liligawan ko talaga siya. Wapak!
  • Nakarating na ako ng Australia noong 13 years old ako.
  • Mahilig akong magipon ng pera. Natural pera yun eh! Kahit wala naman akong bibilin, masaya akong may ipon sa wallet.
  • Gustong gusto kong nakikitang nangingisay yung bulate sa CR kapag nilalagyan ko ng asin. Parang nanuod ako ng pelikula ni Mang Dolphy. Anong konek?
  • Mahilig akong manuod ng horror films pero takot akong mag CR magisa pag naiisip ko yung mga pinapanuod ko.
  • Ayokong nakikita si Jonalyn Viray. Nasisira araw ko. Ampalaya?
  • Mas gusto kong magpuyat at di matulog sa gabi kesa gumising ng maagang maaga.
  • Kapag nagswiswiming ako, sa beach o sa pool, may dala dala akong payong. Kasi naman naaawa nako sa kulay ng balat ko.
  • Maganda ako. Wag ka nang pumalag kundi magsasara butas ng pwet mo, sige ka?!?

Posted by lizeth at 10:40 pm | permalink

Previous Comments

hahahaha loka man ka nak
mana ka sa tatay mo

Posted by malambing at February 25, 2009, 9:34 pm

hahahaha langya ka pinatawa mo ko
tapos pinaiyak mo rin ako
tapos pinatawa mo ulit ako
hahahha huhuhu hahaha
lab yu nak …rudy fernandez
joke … kamukha lang . ay este,
gino padilla … joke, kaboses lang.

papa nilo
magaling sa motocross , totoo na to

Posted by nilo querubin at February 27, 2009, 9:31 am

hahaha. kayo talaga! lalo ko tuloy kayo namimiss. huhuhuhu.

Posted by lizeth at February 27, 2009, 8:57 pm

Tamad ka palang maligo. Huwag ka nang tatabi sa akin ha! He he he . . .

Posted by Tito Bot at March 1, 2009, 9:41 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment