Mangarap Ka Nalang!
March 25, 2009Madalas sabihin ng mga propesor ko - “Kung mangangarap nalang din kayo, mangarap ka na ng mataas.” Ang sabi ko naman - “Kung mangangarap ka ng sobrang taas, tapos wala ka namang ginagawa para matupad yung mga pangarap na yun, mangarap ka nalang ng imposible, para kung sakaling di matupad, atlis walang samaan ng loob.” Katulad ko, simple lang naman ang mga pangarap ko. Ayan basahin mo…
- Pangarap kong kumain ng aratilis na kasing laki ng mansanas.
- Pangarap kong kumain ng seedless na atis.
- Pangarap kong magkaroon ng kaibigan na katulad ni Doraemon. Siya ang magiging sagot sa lahat ng problema ko.
- Pangarap kong bumalik sa nakaraan. Gusto ko sanang palitan si Eba. Sigurado pag ako inutusan na wag kainin ang mansanas, di ko talaga kakainin yun. Di kasi ako mahilig sa mansanas. Sayang! Edi sana maganda at masaya ang buhay ng mga tao ngayon kung ako ang naging si Eba.
- Pangarap kong maging kasing ganda at sexy ng isang Anime character. Maputi, maganda ang katawan, maganda ang buhok at higit sa lahat, walang taghiyawat.
- Pangarap kong kumain ng isang kilo ng butong pakwan na wala nang balat.
- Pangarap kong umupo at humiga sa gitna ng pinakamalaking kalsada sa mundo.
- Pangarap kong makapasyal sa kalawakan, makipagkaibigan sa mga alien at tumira sa Pluto. Para maiba naman ang paligid. Parati nalang ganito.
- Pangarap kong magka-snow sa Pilipinas.
- Pangarap kong sumakay sa dulo ng laser light.
- Pangarap kong magkaroon ng alagang anaconda, buwaya at jaguar sa bahay. Para wala nang makakapasok na magnanakaw sa bahay at wala naring magbabalak ng masama laban sakin.
- Pangarap kong magkaboyfriend ng bampira na katulad ni Edward Cullen ng Twilight.
- Pangarap kong makalakad sa ibabaw ng tubig.
- Pangarap kong maligo sa chocolate.
- Pangarap kong magkaroon ng super powers. Hindi yung kilikili power ah. Gusto ko yung tipong bumubuga ng apoy, nagiging invisible o kaya yung nakakalipad katulad ni Darna at Superman.
- Pangarap kong manalo ng bilyong bilyong pera sa lotto kahit di ako tumataya.
Oh kitam? Simpleng simple diba? Imposible nga lang!
Previous Comments
Hi!
Nice blog ha, plain and simple yung iphone template (tama ba) pero ang ganda ng layout! well organized.
Aim high, hit high! Natawa ko sa entry. Good concept! (–,)
Posted by chyng at March 4, 2009, 11:37 pmhahahaha! interesting list! di bale, libre naman ang mangarap. go!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




Hi Lizeth!
Ayos yung mga pangarap mo ah! Gusto ko sana sumama sa kalawakan pati na rin sa Pluto,kaya lang wala pa akong visa! Dala na lang ako ng tent para kung walang available na hotel dun, sigurado meron matutulugan, di ba?
Pano ka liligo sa tsokolate, e di ba nga sabi mo tamad ka maligo? Ipunas mo na lang sa katawan mo, at least, di ka pa rin naligo. Ha ha ha! nakakahawa kabaliwan mo Lizeth!!!
Posted by Tita Beng at March 2, 2009, 4:33 pm