Maligayang Araw Ng Kapanganakan Para Sakin!
March 30, 2009
Happy Bertdey Sakin!
Bertdey ko ngayon pero parang wala lang. Sa 21 taon kong nabubuhay sa mundo, hindi pa ako nakakatikim ng bertdey party o kahit anong handaan pero ayos lang sakin yun. Sanay naman na ako. Hehe. Ang tanda ko na pala. Pakiramdam ko 9 years old palang ako. Irresponsable, maligalig at isip bata. Ganito parin walang pagbabago. Konting taon na lang pala, ako na ang tatayo sa sarili kong mga paa para mabuhay pero parang hindi pa ako handa. Hehehe. Oo nga pala! Salamat sa lahat ng bumati at sa mga babati palang! Cheers!
Mga Walang Kwentang Bagay Tungkol Sakin!
March 25, 2009Tinag ako ni Vanvan, Cagzkie at Duberkat! Yan tuloy, ubligado akong magsabi ng 25 na bagay tungkol sakin. Uumpisahan ko na.
- Mahilig ako sa mga exotic na pagkain. Yung tipong nakakadiri sa iba, pero para sakin sobrang sarap talaga. Tulad ng palaka, salagubang, kamaro at kung ano ano pa. Minana ko kasi yun sa papa ko. Mahilig rin ako sa mga street foods. Ewan ko ba. Masarap kasi eh.
- Tamad ako maligo. Haha! Nakakahiya mang sabihin pero kapag walang pasok, hindi rin ako naliligo. Eww ka diyan! Atlis nakakatulong ako sa pagtitipid ng tubig. Eh ikaw?
- Tamad akong magbasa ng text o kahit magreply. Minsan napupuno na inbox ko sa mga unread messages kaya binubura ko nalang kahit di ko pa binabasa.
- Tamad akong magaral. Sa buong buhay ko sa iskwelahan, wala akong maalalang exam na pinaghandaan ko. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit sa kabila nun, nasa honor parin ako mula kinder hanggang high school. Sadyang ganyan lang talaga siguro ang buhay!
- Tamad ako sa lahat ng bagay. Yan inamin ko na. Di mo pa ba nahalata sa mga pinost ko sa taas. Puro katamaran!
- Nakatira lang ako sa squaters area. Nakakalungkot isipin na ang bahay namin ay kasing laki lang ng CR sa SM. Pero sa lahat naman ng nakatira sa squater, kami yung may
iPod Video Classic 80G, drumset, aircon, HP computer with 19 inches LCD at DSL sa bahay.
- Magulo ang family tree ko. Maraming tangkay. Gusto mo isaisahin ko? Oh sige. 2 kapatid ko sa mama ko, mas matatanda sila sakin. 3 naman sa tatay ko, mas bata naman sakin. Pero sa totoo lang, ako lang ang kaisa isang anak ng nanay at tatay ko. Di mo maintindihan? Problema mo na yun.
- Isa akong tangang drummer kaya iniiwanan ng banda.
- Pangarap kong maging bokalista ng isang
rock band pero hanggang pangarap na lang yun.
- May anak na ako.
- Pag pamilya ang pinaguusapan, umiiyak talaga ako. Mahal na mahal ko kasi silang lahat kahit lumilipas ang panahon na hindi kami palaging magkakasama. Umiiyak ako sa bus pag umuuwi na ako galing sa lugar ng papa ko. Pag nakikita ko si mama nasasaktan, naiiyak parin ako. Nakakaiyak kasi talaga!
- TB survivor ako. Langya nga sa lahat ng sakit yan pa ang nakuha ko. Pero awa ng Diyos after 6 months na gamutan, magaling nako ngayon!
- Adik ako sa pagbablog. Kahit trying hard mag-english at halos dumugo na ilong ko, yan sige blog parin kahit alam kong wala namang matiyagang bumabasa ng mga post ko.
- Mahilig ako sa mga baby. Pati ako isip baby. Feeling ko nga 5 years old palang ako eh. Tapos pag nagduduty nako sa hospital, dun ko palang narerealize na langya matanda na pala ako!
- Minsan may topak ako. Basta masaya ako, kahit magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao, wala akong pakealam.
- Mahilig ako sa mga gig at concert. Handa akong makipagsiksikan sa maraming tao basta dapat nasa harapan ako kasi kung nasa likod lang din ako, uwi nalang ako.
- Crush na crush ko si Hayley Williams ng Paramore at kung bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong maging lalaki, liligawan ko talaga siya. Wapak!
- Nakarating na ako ng Australia noong 13 years old ako.
- Mahilig akong magipon ng pera. Natural pera yun eh! Kahit wala naman akong bibilin, masaya akong may ipon sa wallet.
- Gustong gusto kong nakikitang nangingisay yung bulate sa CR kapag nilalagyan ko ng asin. Parang nanuod ako ng pelikula ni Mang Dolphy. Anong konek?
- Mahilig akong manuod ng horror films pero takot akong mag CR magisa pag naiisip ko yung mga pinapanuod ko.
- Ayokong nakikita si Jonalyn Viray. Nasisira araw ko. Ampalaya?
- Mas gusto kong magpuyat at di matulog sa gabi kesa gumising ng maagang maaga.
- Kapag nagswiswiming ako, sa beach o sa pool, may dala dala akong payong. Kasi naman naaawa nako sa kulay ng balat ko.
- Maganda ako. Wag ka nang pumalag kundi magsasara butas ng pwet mo, sige ka?!?

Mangarap Ka Nalang!
Madalas sabihin ng mga propesor ko - “Kung mangangarap nalang din kayo, mangarap ka na ng mataas.” Ang sabi ko naman - “Kung mangangarap ka ng sobrang taas, tapos wala ka namang ginagawa para matupad yung mga pangarap na yun, mangarap ka nalang ng imposible, para kung sakaling di matupad, atlis walang samaan ng loob.” Katulad ko, simple lang naman ang mga pangarap ko. Ayan basahin mo…
- Pangarap kong kumain ng aratilis na kasing laki ng mansanas.
- Pangarap kong kumain ng seedless na atis.
- Pangarap kong magkaroon ng kaibigan na katulad ni Doraemon. Siya ang magiging sagot sa lahat ng problema ko.
- Pangarap kong bumalik sa nakaraan. Gusto ko sanang palitan si Eba. Sigurado pag ako inutusan na wag kainin ang mansanas, di ko talaga kakainin yun. Di kasi ako mahilig sa mansanas. Sayang! Edi sana maganda at masaya ang buhay ng mga tao ngayon kung ako ang naging si Eba.
- Pangarap kong maging kasing ganda at sexy ng isang Anime character. Maputi, maganda ang katawan, maganda ang buhok at higit sa lahat, walang taghiyawat.
- Pangarap kong kumain ng isang kilo ng butong pakwan na wala nang balat.
- Pangarap kong umupo at humiga sa gitna ng pinakamalaking kalsada sa mundo.
- Pangarap kong makapasyal sa kalawakan, makipagkaibigan sa mga alien at tumira sa Pluto. Para maiba naman ang paligid. Parati nalang ganito.
- Pangarap kong magka-snow sa Pilipinas.
- Pangarap kong sumakay sa dulo ng laser light.
- Pangarap kong magkaroon ng alagang anaconda, buwaya at jaguar sa bahay. Para wala nang makakapasok na magnanakaw sa bahay at wala naring magbabalak ng masama laban sakin.
- Pangarap kong magkaboyfriend ng bampira na katulad ni Edward Cullen ng Twilight.
- Pangarap kong makalakad sa ibabaw ng tubig.
- Pangarap kong maligo sa chocolate.
- Pangarap kong magkaroon ng super powers. Hindi yung kilikili power ah. Gusto ko yung tipong bumubuga ng apoy, nagiging invisible o kaya yung nakakalipad katulad ni Darna at Superman.
- Pangarap kong manalo ng bilyong bilyong pera sa lotto kahit di ako tumataya.
Oh kitam? Simpleng simple diba? Imposible nga lang!
Ewan
March 12, 2009Tatlong araw na akong nagiisip kung ano ang maisusulat ko sa mga blog ko pero wala talaga akong maisip. Nakakainis nga kasi kung dati ang dami kong naiisip, bakit ngayon tila yata lumipad na ang mga ideyang iyon. Hay! Ewan ko ba! Nahihirapan ako. Mapa-english o tagalog wala talagang pumapasok sa aking isipan. Hays. Sana bukas o sa makalawa, bago pa man dumating ang final exam, makaisip na ako ng magandang kaisipan na maipapamahagi ko sa inyo. Woot woot! Galaw galaw baka pumanaw.



