Home
Ang babaeng puro pahinga! Para siyang softdrinks, gagawin niyang "cool" ang buhay mo!

Bakit May Two Timer?

November 15, 2009

Ang isa sa pinakamasakit na mangyayari sa isang relasyon eh yung malaman mo na pinagtataksilan ka ng taong mahal mo. Pinagkakatiwalaan mo siya ng buong buo yun pala hindi mo alam na habang naghihintay ka ng text o tawag niya eh nakikipaglambingan na pala siya sa iba. Ang sakit! Parang ang sarap pumatay ng tao. Aaminin ko, galit ako sa mga taong katulad nila dahil minsan na rin akong nabiktima ng mga gagong un. Nakakatawa nga dahil sa sarili niyang katangahan ko pa siya nahuli. Ang lupet! Pero minsan natanong ko sa sarili ko, ano nga ba ang dahilan bakit may mga taong kagaya nila? Bakit nila nagagawa yun? Sa pagkakataong ito, lawakan natin ang ating isipan at subukan natin silang unuwain dahil baka naman….

  • Nabobored na siya - hindi ka na siguro katulad ng dati na sweet at thoughtful. Kung dati ang dialogue mo “tara hatid na kita baka anong mangyari sayo sa daan.” eh baka ngayon “magtext ka nalang kung nasa bahay ka na hah.” O baka naman sa 10 taon niyong pagsasama eh hindi mo pa siya nailalabas para magdate? Eh talaga namang mababagot yun at maghahanap ng iba.
  • Di siya makuntento - aminin natin na minsan talaga hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo kaya naghahanap pa tayo ng “MAS”, mas maganda, mas sexy, mas mayaman o kaya mas malambing, mas masarap, mas magaling. Kung ganun malamang ngang maghahanap at maghahanap yun ng ibang tutugon sa pagkukulang ng isa.
  • Mahina siya sa tukso - may mga tao talagang mahina sa tukso. Kahit di nila gustong gawin, wala silang palag dahil palay na mismo ang lumalapit. Tao lang ako, yun ang lagi nilang dahilan.
  • Hindi siya makapili kung sino talaga ang mahal niya - minsan magugulat na lang tayo paggising natin sa umaga marerealize natin na unti unti na pala tayong nahuhulog sa ibang taong madalas nating kausap o kasama. Tapos magiisip tayo ng magiisip kung sino ba talaga ang mahal natin pero dahil sa hindi tayo makapali, ang tanging paraan ay ang pagsabayin sila.
  • Naghahanap ng atensiyon - baka naman wala ka nang oras sa kaniya. Puro nalang pagdodota, pagbabanda o pagaaral ang inaatupag mo. Baka hindi mo narin napapansin ang bagong niyang rebonded na buhok at facial na mukha kaya naghanap ng ibang taong magbibigay ng mas maraming atensiyon.
  • Nagsasawa na siya - ang mga tao mabilis magsawa, maumay, gusto laging bago. Ganun talaga tayong mga tao eh, walang permanenteng kasiyahan. Kaya nga hindi tayo nagiging lubusang masaya dahil hindi tayo marunong makuntento.
  • Gustong maghiganti - eto yung mga taong nabiktima na rin ng mga salawahan at gustong maghiganti. Ganito ang kadalasan nilang sinasabi, “May babae ang boyfriend ko kaya manlalalaki rin ako para maramdaman rin niya kung ano ang nararamdaman ko. Bakit siya lang ba may karapatang manloko?!?”
  • Gusto lang magmayabang at patunayang malakas ang appeal niya - mas maraming boyfriend/girlfriend, mas malakas daw ang dating. Minsan gusto lang din nilang magmayabang sa tropa na marami siyang girlfriend/boyfriend dahil gwapo/maganda siya.
  • Gusto niya ng may reserba - marami sa atin takot masaktan at maiwanang mag-isa kaya para maiwasan yun, minsan naghahanap tayo ng pang reserba. “Atleast sigurado kang may magsasalo sa iyo kung saka sakali mang iwanan ka ng isa.” - Yan ang kadalasan nilang sinasabi.
  • Sadyang likas na sa kaniya ang maging babaero/lalakero - wala tayong magagawa kung sadyang ganiyan ang boyfriend/girlfriend mo, makati, dahil kahit anong gawin mo, mangbababae at manglalalaki yang jowa mo dahil ipinanganak na siyang ganiyan. At hindi malayong mangyari na mamatay na rin siyang ganiyan. Naku wag naman sana!

Sa ngayon yan palang ang naiisip kong maaring maging dahilan. Kung may iba pa, yun ay di ko na alam. Kaya sa mga taong naging biktima ng pagtataksil isipin din natin na baka tayo ang may pagkukulang. Para naman sa mga “two timer”, minsan sana wag maging manhid, isipin niyo rin na sa gagawin mong yan, may taong masasaktan. Hindi ba’t masakit kung sa iyo gagawin yan ng taong mahal mo? Mabilis ang karma at ang masaklap dumarating yan sa pagkakataong hindi mo inaasahan. At kapag tinamaan ka ng karma, triple ang balik niyan sayo, MANIWALA KA!

Posted by lizeth at 1:46 am | permalink | comments[4]

Ouchy!

June 17, 2009

 

Minsan pala kahit kasama mo yung taong mahal mo, kahit niyayakap at hinahalikan ka niya, at kahit paulit ulit niya pang sabihing mahal ka niya, hindi ka parin magiging masaya kung hindi mo nararamdaman ang sinseridad ng mga ginagawa at sinasabi niya.

Bakit kung sino pa yung taong alam mong nagmamahal sa iyo ng sobra, yun pa yung nakukuha mong baliwalain. Pero yung taong walang ginawa kundi saktan ka, yun pa yung di mo makuhang iwanan at kalimutan.

Kung si Kris Aquino na super yaman, si Katrina Halili na super hot and gorgeous at si Vicky Belo na super successful sa career ay nasasaktan at umiiyak dahil sa lalaki at pag-ibig, ako pa kaya, si Lizeth, na di hamak na pangit at mahirap lang?!?

 

 -Lizeth

Posted by lizeth at 6:15 pm | permalink | comments[6]

Matalino Ka Ba?

April 15, 2009

 

 

Madalas, ang konsepto natin sa pagiging matalino ay binabase lagi natin sa kung gaano kataas ang nakukuha nating grado sa iskwelahan. Kailangan hindi bababa sa 85-100% ang average mo para masabi na matalino ka nga talaga. Pero tama nga ba ang paniniwalang ito? Kung ako ang tatanungin mo, hindi ako sangayon dito. Para sa akin, ang katalinuhan ay hindi lamang binabase sa “academic achievement” o sa kung gaano kataas ang “I.Q. level” ng isang tao. Ang bawat indibidwal may kanya kanyang talento at katalinuhan na nakatago sa kailailaliman ng kanyang sarili. May mga taong magaling sa “mathematical equations” na kahit balibaliktarin mo ang tanong, nasasagutan niya parin ito ng tama pero ang problema, bobo siya sa “english grammar”. Mayroon ding sobrang galing sa “biology”, “chemistry”, “physics” at “science and technology” pero hindi marunong magspelling. May mga tao namang napeperpekto ang lahat ng pagsusulit sa lahat ng mga “subjects” pero walang sentido kumon. May mga tao ring 10 taon na sa high school pero alam tugtugin ang lahat ng instrumentong pang musika ng malinis na malinis at pinong pino.  Mayroon din namang mga taong tatanga tanga sumagot ng exam pero lahat ng sira sa “computer”, alam niyang ayusin. Mayroon din akong kilala na puro tres ang “grades” noong siya’y nasa kolehiyo pa lamang pero ngayon, presidente na siya ng isang kumpanya at kumikita na ng humigit kumulang P50,000 kada buwan. At mayroon ding hindi nakapagaral, hindi marunong magbasa o sumulat manlang pero alam kung paano patumbahin ang “white house” sa america. Bawat tao may sariling kakayahan at kahinaan kaya wala tayong karapatang humusga ng isang tao na bobo siya dahil lang sa mababa ang grado niya sa iskwelahan. Hindi porke magaling ka mag-english matalino ka na. At lalong hindi lang dahil flat 1 ka sa Rizal ay ikaw na ang pinakamatalinong nilalalang sa buong mundo. Isipin na lang natin na ang grado sa iskwelahan madalas nadadaya yan. May mga iskwelahan na pumasok ka lang araw araw, pasado ka na. May mga guro din na Pizza Hut lang ang katapat ng 95 na grade mo sa Hekasi. May mga istudyanteng maraming “sources” ng “leakage” kaya napeperpekto ang exam na minsan para hindi halata, mamalian niya ang isa o dalawa. Mayroon ding may “infrared” sa katawan na malalakas mangopya sa katabi, sa tagiliran sa likuran at sa harapan na madalas, mas mataas pa ang iskor niya kesa dun sa kinopyahan niya. At higit sa lahat, hindi nawawala ang Recto na kung saan pwede nang pekein ang lahat simula sa card hanggang sa diploma. Nakakatuwang isipin pero hindi natin maitatangging totoo nga yan at masasabi nalang natin na “oo nga noh?!”. Kaya heto ang dahilan kung bakit hindi ako nabibilib sa mga taong “genius” o “gifted child” kuno dahil lahat tayo, ginawa ng Diyos na “gifted”. Ang problema nga lang, may mga tamad mag-aral  samantalang may subsob sa pagsusunog ng kilay. May mga magagaling pero hindi alam kung saan gagamitin. Kaya buksan natin ang ating isipan! Minsan tanungin natin ang ating sarili bago tayo magpayabangan ng “grade”, ako ba talaga gumawa ng grade na ito? At bago natin sabihin na bobo o tanga ang isang tao dahil lang sa simpleng pagkakamali nito, isipin mo rin kung ikaw ba di ka rin ba nagkamali? Ikaw? Sa tingin mo? Matalino ka ba?

Posted by lizeth at 8:31 pm | permalink | comments[19]

Mahirap Maging Babae!

April 12, 2009

   

Dalawa lang naman ang tao sa mundo, ang lalaki at ang babae. Pero parang naging madaya yata ang tadhana para sa aming mga babae. Kung akala ninyo masaya at madali lang ang maging babae, nagkakamali ka. Mahirap po. Tulad nalang noong unang panahon, ang mga babae ay di binibigyan ng karapatan para makapagaral o makapagtrabaho man lang. Ang tingin nila sa mga babae, mga alipin - sinasaktan, binubugbog, kinukulong sa bahay, ginagawang “sex slave” at tinatapakan ang pagkatao. Pasalamat na lang kami dahil hindi na namin inabot ang panahong yoon pero kung iisipin at babalikan mo, nakakalungkot parin.

Sinong babae ang di nakakaranas ng buwanang dalaw? Yun pa nga lang ay isa nang malaking parusa para sa amin. Lalo pa’t kapag sinumpong kami ng “Dysmenorhhea o menstrual cramps” na kung saan sumasakit ang puson ng sobra sobra na kahit anong gawin mo, hindi nawawala ang sakit. Kaya nga nauso ang pangaasar na kapag masungit at mainit ang ulo ng babae, ibig sabihin may dalaw. Totoo po yun dahil sobrang sakit talaga nun. Isusumpa mo talagang maging babae pag naranasan mo yun!

Mahirap din maging babae pagdating sa pagibig. Bakit? Simple lang. Dahil hindi kami pwedeng manligaw. Kami pa ang dapat maghintay para sa taong gusto namin. Pano nalang kung hindi dumating ang panahon na ligawan kami ng tanging lalaking natitipuan namin, mamumuti nalang ba ang buhok namin kakahintay dahil hindi kami pwedeng gumawa ng “first move”? Hay buhay!

Sa lalaki, walang nawawala, pero sa mga babae, ang pagkabirhen namin ang tanging yaman na pinakakaingat ingatan namin. Pero minsan may mga lalaking pilit na inaagaw yun sa amin. Pwersahan kaming pinipilit sa gusto nilang mangyari, rape kung tawagin. Ang lalaki ba narerape? Hindi. Ang mga babae lang. 

Sabi nila, ang mga lalaki daw ay likas na babaero at hindi makuntento sa isa. Kung totoo man yun hindi mo ba alam na babae nanaman ang magdurusa. Hindi lamang dahil masakit sa damdamin ang malaman namin na may ibang babae ang lalaking minamahal namin pero kapag dumating sa puntong nagkasakit na ang lalaki dahil sa paggamit sa iba’t ibang mga babae, ang mga babae nanaman ang kawawa. Kadalasan kasi kapag tinamaan ng STD (Sexually Transmitted Disease) ang lalaki, hindi sila nakakaramdam ng kahit anong sintomas, kaya hindi nila alam na may sakit na pala sila. Pero kapag nahawaan na niya ang babae, kami ang makakaramdam ng lahat ng hirap na dulot ng sakit na STD. Unfair diba?

Hindi dadami ang tao sa mundo kung walang babae. Walang lalaki kung walang babae. Walang tao kung walang babae. Dahil kami lamang ang may kakayahang manganak at magdala ng bata. Sabi ng mga nanay natin, ang pagdadalang tao daw ang pinakamahirap na tungkulin ng isang babae. Walang kasing hirap ang manganak at magluwal ng sanggol. Dadalhin namin ang bata ng 9 na buwan. Titiisin namin ang hirap ng pagbubuntis lalo na ang hirap ng panganganak. Buhay namin ang nakataya, kalahati ng katawan namin nakabaon sa hukay sa tuwing magdadalang tao ang isang babae. Pagkatapos kami rin ang maghihirap sa pagpapalaki sa kanila. Malas pa kung iiwanan din lang kami ng lalaking kasama namin sa paggawa ng batang iyon. Isang panghabang buhay na paghihirap.

Marami pang dahilan bukod dito kung bakit nasasabi kong mahirap maging babae. Marahil kulang ang isang araw para maisulat ang lahat ng iyon. Siguro hindi niyo malalaman kung gaano talaga kahirap hanggat hindi niyo mararamdaman. Kaya sana sa bawat hirap na pinagdadaanan ng isang babae, hiling namin na maisip  rin ninyo kung paano pahalagahan ang mga katulad namin. Dahil mahirap man, makakayanan namin lagpasan ang lahat ng iyon kung may mga taong marunong magpahalaga sa bawat sakripiyo at pagtitiis namin alang alang sa inyo. Ang mga babae ay nilikha ng Diyos para sa mga lalaki, para may makakasama siya sa pagtakbo ng buhay kaya nararapat lang siguro na iparamdam niyo rin sa amin na mahalaga rin kami dahil kung hindi dahil sa amin, marahil walang magbibigay ng kulay sa mga buhay ninyo. Marahil hindi magiging masaya ang mundo kung wala kami. Pangunawa, respeto, pagmamahal at pagpapahalaga - yan lang ang tanging hiling namin na manggagaling sa inyo.

Ikaw? Sa tingin mo ba mas mahirap talagang maging babae kaysa sa maging lalaki? Kung hindi ang sagot mo, patunayan mo!

Posted by lizeth at 7:42 pm | permalink | comments[10]

Maligayang Araw Ng Kapanganakan Para Sakin!

March 30, 2009

Happy Bertdey Sakin!

Bertdey ko ngayon pero parang wala lang. Sa 21 taon kong nabubuhay sa mundo, hindi pa ako nakakatikim ng bertdey party o kahit anong handaan pero ayos lang sakin yun. Sanay naman na ako. Hehe. Ang tanda ko na pala. Pakiramdam ko 9 years old palang ako. Irresponsable, maligalig at isip bata. Ganito parin walang pagbabago. Konting taon na lang pala, ako na ang tatayo sa sarili kong mga paa para mabuhay pero parang hindi pa ako handa. Hehehe. Oo nga pala! Salamat sa lahat ng bumati at sa mga babati palang! Cheers!

Posted by lizeth at 7:47 pm | permalink | comments[6]

Mga Walang Kwentang Bagay Tungkol Sakin!

March 25, 2009

Tinag ako ni Vanvan, Cagzkie at Duberkat! Yan tuloy, ubligado akong magsabi ng 25 na bagay tungkol sakin. Uumpisahan ko na.

  • Mahilig ako sa mga exotic na pagkain. Yung tipong nakakadiri sa iba, pero para sakin sobrang sarap talaga. Tulad ng palaka, salagubang, kamaro at kung ano ano pa. Minana ko kasi yun sa papa ko. Mahilig rin ako sa mga street foods. Ewan ko ba. Masarap kasi eh.
  • Tamad ako maligo. Haha! Nakakahiya mang sabihin pero kapag walang pasok, hindi rin ako naliligo. Eww ka diyan! Atlis nakakatulong ako sa pagtitipid ng tubig. Eh ikaw?
  • Tamad akong magbasa ng text o kahit magreply. Minsan napupuno na inbox ko sa mga unread messages kaya binubura ko nalang kahit di ko pa binabasa.
  • Tamad akong magaral. Sa buong buhay ko sa iskwelahan, wala akong maalalang exam na pinaghandaan ko. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit sa kabila nun, nasa honor parin ako mula kinder hanggang high school. Sadyang ganyan lang talaga siguro ang buhay!
  • Tamad ako sa lahat ng bagay. Yan inamin ko na. Di mo pa ba nahalata sa mga pinost ko sa taas. Puro katamaran! 
  • Nakatira lang ako sa squaters area. Nakakalungkot isipin na ang bahay namin ay kasing laki lang ng CR sa SM. Pero sa lahat naman ng nakatira sa squater, kami yung may iPod Video Classic 80G, drumset, aircon, HP computer with 19 inches LCD at DSL sa bahay.
  • Magulo ang family tree ko. Maraming tangkay. Gusto mo isaisahin ko? Oh sige. 2 kapatid ko sa mama ko, mas matatanda sila sakin. 3 naman sa tatay ko, mas bata naman sakin. Pero sa totoo lang, ako lang ang kaisa isang anak ng nanay at tatay ko. Di mo maintindihan? Problema mo na yun.
  • Isa akong tangang drummer kaya iniiwanan ng banda.
  • Pangarap kong maging bokalista ng isang rock band pero hanggang pangarap na lang yun.
  • May anak na ako.
  • Pag pamilya ang pinaguusapan, umiiyak talaga ako. Mahal na mahal ko kasi silang lahat kahit lumilipas ang panahon na hindi kami palaging magkakasama. Umiiyak ako sa bus pag umuuwi na ako galing sa lugar ng papa ko. Pag nakikita ko si mama nasasaktan, naiiyak parin ako. Nakakaiyak kasi talaga!
  • TB survivor ako. Langya nga sa lahat ng sakit yan pa ang nakuha ko. Pero awa ng Diyos after 6 months na gamutan, magaling nako ngayon!
  • Adik ako sa pagbablog. Kahit trying hard mag-english at halos dumugo na ilong ko, yan sige blog parin kahit alam kong wala namang matiyagang bumabasa ng mga post ko.
  • Mahilig ako sa mga baby. Pati ako isip baby. Feeling ko nga 5 years old palang ako eh. Tapos pag nagduduty nako sa hospital, dun ko palang narerealize na langya matanda na pala ako!
  • Minsan may topak ako. Basta masaya ako, kahit magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao, wala akong pakealam.
  • Mahilig ako sa mga gig at concert. Handa akong makipagsiksikan sa maraming tao basta dapat nasa harapan ako kasi kung nasa likod lang din ako, uwi nalang ako.
  • Crush na crush ko si Hayley Williams ng Paramore at kung bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong maging lalaki, liligawan ko talaga siya. Wapak!
  • Nakarating na ako ng Australia noong 13 years old ako.
  • Mahilig akong magipon ng pera. Natural pera yun eh! Kahit wala naman akong bibilin, masaya akong may ipon sa wallet.
  • Gustong gusto kong nakikitang nangingisay yung bulate sa CR kapag nilalagyan ko ng asin. Parang nanuod ako ng pelikula ni Mang Dolphy. Anong konek?
  • Mahilig akong manuod ng horror films pero takot akong mag CR magisa pag naiisip ko yung mga pinapanuod ko.
  • Ayokong nakikita si Jonalyn Viray. Nasisira araw ko. Ampalaya?
  • Mas gusto kong magpuyat at di matulog sa gabi kesa gumising ng maagang maaga.
  • Kapag nagswiswiming ako, sa beach o sa pool, may dala dala akong payong. Kasi naman naaawa nako sa kulay ng balat ko.
  • Maganda ako. Wag ka nang pumalag kundi magsasara butas ng pwet mo, sige ka?!?

Posted by lizeth at 10:40 pm | permalink | comments[4]

Mangarap Ka Nalang!

Madalas sabihin ng mga propesor ko - “Kung mangangarap nalang din kayo, mangarap ka na ng mataas.” Ang sabi ko naman - “Kung mangangarap ka ng sobrang taas, tapos wala ka namang ginagawa para matupad yung mga pangarap na yun, mangarap ka nalang ng imposible, para kung sakaling di matupad, atlis walang samaan ng loob.” Katulad ko, simple lang naman ang mga pangarap ko. Ayan basahin mo…

  • Pangarap kong kumain ng aratilis na kasing laki ng mansanas.
  • Pangarap kong kumain ng seedless na atis.
  • Pangarap kong magkaroon ng kaibigan na katulad ni Doraemon. Siya ang magiging sagot sa lahat ng problema ko.
  • Pangarap kong bumalik sa nakaraan. Gusto ko sanang palitan si Eba. Sigurado pag ako inutusan na wag kainin ang mansanas, di ko talaga kakainin yun. Di kasi ako mahilig sa mansanas. Sayang! Edi sana maganda at masaya ang buhay ng mga tao ngayon kung ako ang naging si Eba.
  • Pangarap kong maging kasing ganda at sexy ng isang Anime character. Maputi, maganda ang katawan, maganda ang buhok at higit sa lahat, walang taghiyawat.
  • Pangarap kong kumain ng isang kilo ng butong pakwan na wala nang balat.
  • Pangarap kong umupo at humiga sa gitna ng pinakamalaking kalsada sa mundo.
  • Pangarap kong makapasyal sa kalawakan, makipagkaibigan sa mga alien at tumira sa Pluto. Para maiba naman ang paligid. Parati nalang ganito.
  • Pangarap kong magka-snow sa Pilipinas.
  • Pangarap kong sumakay sa dulo ng laser light.
  • Pangarap kong magkaroon ng alagang anaconda, buwaya at jaguar sa bahay. Para wala nang makakapasok na magnanakaw sa bahay at wala naring magbabalak ng masama laban sakin.
  • Pangarap kong magkaboyfriend ng bampira na katulad ni Edward Cullen ng Twilight.
  • Pangarap kong makalakad sa ibabaw ng tubig.
  • Pangarap kong maligo sa chocolate.
  • Pangarap kong magkaroon ng super powers. Hindi yung kilikili power ah. Gusto ko yung tipong bumubuga ng apoy, nagiging invisible o kaya yung nakakalipad katulad ni Darna at Superman.
  • Pangarap kong manalo ng bilyong bilyong pera sa lotto kahit di ako tumataya.

Oh kitam? Simpleng simple diba? Imposible nga lang!

Posted by lizeth at 11:35 am | permalink | comments[3]

Ewan

March 12, 2009

Tatlong araw na akong nagiisip kung ano ang maisusulat ko sa mga blog ko pero wala talaga akong maisip. Nakakainis nga kasi kung dati ang dami kong naiisip, bakit ngayon tila yata lumipad na ang mga ideyang iyon. Hay! Ewan ko ba! Nahihirapan ako. Mapa-english o tagalog wala talagang pumapasok sa aking isipan. Hays. Sana bukas o sa makalawa, bago pa man dumating ang final exam, makaisip na ako ng magandang kaisipan na maipapamahagi ko sa inyo. Woot woot! Galaw galaw baka pumanaw.

Posted by lizeth at 9:30 pm | permalink | comments[7]

Mga Rockstars Nagpapicture Sakin!

February 14, 2009

Akalain niyo nga naman na ang sikat na mga bandang ito ay nagpakuha ng picture sakin! Wahahaha! Ang swerte naman nila!

 

Si Rogel, vocalist ng Valley of Chrome! Rour Rar Rawr!

 

Yan si Monpi, drummer ng Giniling Festival.

 

Ang buong Giniling Festival! Tanong nila “Payag ka, girlfriend mo si Angelina Jolie pero tae mo bato?” 

 

 

Si Ice, vocalist ng Maryzark! Binulong niya sakin, “Mahalin mo na lang kahit kunwari dalangin niyang nakatingin sa langit!”

 

 

Si Jeazell, vocalist ng Zell. Advice niya sakin “Sabihin mo na kung babalik ka pa, para di na maghintay!”

 

 

Si Katya, vocalist ng Saydie. Ganda niya. Panalo!

 

  

Si Chi, Bassist ng Typecast! Dungdungdung!

 

Si Melvin, Drummer ng Typecast! Tutugpak!

 

 

Si Steve, bangkay este Vocalist ng Typecast. Tanong niya sakin “Last time! Did I Pushed you on?!?”

 

 

Si Ria, ang kapwa kong Drummer na babae at Vocalist ng bandang Paramita! Idol ko yan, sobra! Galing, parang ako! Hahahaha! Joke! Payo niya sakin, “Kung ito ang iyong hiling, gaano man kasakit sa akin, ibibigay sayo!”

 

 

Si Lalay, Bassist ng Urbandub! Lupet nito walang katulad!

 

 

 Si Gab!!! Vocalist and Rhythmist ng Urbandub! Pinakamalupet at Idol ko sa lahat! Sulit ang gabi mo pag siya nakaharap mo! Kaso magkasing laki lang kami. Hehehehehe. Sigaw niya, “Park Car!”

 

Si Miggy, ang poging poging Vocalist ng Chicosci. Sabi niya sakin “This roses died three days since…!!!”

 

ROCKENROWL!!! \m/

   

Posted by lizeth at 12:50 pm | permalink | comments[8]

Happy 50th Birthday Mama!

February 4, 2009

Caring,

Loving,

Wonderful,

Supportive,

Thoughtful.

You are all this and more!

Here’s wishing you a Birthday,

That’s just special as you are!

HAPPY BIRTHDAY!

I Love You Mama!

 

Posted by lizeth at 12:00 am | permalink | comments[2]